^

Bansa

Halos 19,000 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas; global cases umabot ng 6 milyon

James Relativo - Philstar.com
Halos 19,000 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas; global cases umabot ng 6 milyon
Nagbibisikleta ang mga manggagawa't empleyadong ito, ika-1 ng Hunyo, 2020, katabi ng mga augmentation buses ng tren habang limitado ang public transportation dahil sa COVID-19 pandemic.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines (Updated, 5:55 p.m.) — Dumami uli ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health sa isang pahayag, Martes.

Sa ulat ng DOH, umakyat pa ang nahawaan ng virus sa 18,997. Mas marami 'yan nang 359 kumpara sa datos na inilabas kahapon.

Ang mga panibagong kaso, nagmula sa mga sumusunod:

- fresh cases (176)
- late cases (183)

Ang mga "fresh cases" ay nagmula sa mga resultang naibahagi sa mga pasyente sa nakalipas na tatlong araw. Ang mga "late cases naman ay mula sa mga resultang lampas apat na araw nang naibigay.

Sa mga mas bagong kaso, 33 ang sinasabing nagmula sa National Capital Regioin (NCR), 89 sa Central Visayas at 54 naman mula sa iba pang mga lugar.

Muli namang pinaalalahanan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na huwag mabahala sa biglang pagsirit ng mga kaso, kasabay ng panibagong pamamaraan ng pag-uulat ng datos.

"Marami pong nababahala sa pagtaas ng mga numerong inilabas natin nitong mga nakaraang araw, ngunit nais po naming ulitin... kaya namin hinati ito sa fresh and late cases ay para mas matutukan natin ang fresh cases na nag-i-indicate ng tunay na kalagayan ng ating bansa laban sa COVID-19," ani Vergeire.

Sumasailalim din daw sa "case reconciliation" ang mga datos kaya raw biglang dumami ang bilang ng mga late cases. Tinutukoy din daw ng epidemiology bureau ang mga entries na nadoble, lalo na't may mga pasyenteng sumasailalim sa maraming tests.

Patay naman sa sakit ang anim pa, dahilan para umabot na ito sa 966 katao. Gayunpaman, 4,063 na ang gumagaling sa nasabing contagion.

Kahapon lang nang ilagay sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba't iba pang probinsya sa bansa, dahilan para manumbalik ang limitadong pampublikong transportasyon basta't may ipinatutupad na physical distancing kontra hawaan.

Lagpas 6 milyon na ito ang tinatamaan ng sakit sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 371,166 na ang namamatay.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with