Nabatid na magtatagal ang enrollment period hanggang sa Hunyo 30 habang ang klase ay magbubukas naman sa Agosto 24. Una naman ng nilinaw ng DepEd na kahit magbalik na ang klase ay hindi pa rin sila magsasagawa ng ‘face-to-face classes’ hanggat wala pang inilalabas na bakuna para sa COVID-19, alinsunod na rin sa direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte.
Philstar.com/Era Christ Baylon
Online enrollment, umarangkada na!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang online enrollment sa mga pampublikong paaralan sa bansa para sa pagbabalik-klase ng mga mag-aaral ngayong taon, sa gitna pa rin ito ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Gayunman, nilinaw ni Undersecretary Diosdado San Antonio na hindi muna papayagan ng Department of Education (DepEd) ang physical enrollment para sa School Year 2020-2021 sa unang dalawang linggo ng enrollment period.

Ayon kay San Antonio, mula Hunyo 1 hanggang 15, ang enrollment ay isasagawa lamang sa pamamagitan ng internet, texting o tawag sa telepono.

Aniya, maaari lamang magtungo ang mga magulang sa mga paaralan matapos ang Hunyo 15, kung may iba pang katanungan o paglilinaw ang mga ito hinggil sa enrollment, ngunit kailangang tumalima pa rin sa ipinatutupad na health protocols, gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face masks.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na kasabay ng enrollment, ay pasasagutin din ang mga magulang sa survey hinggil sa mode of learning na nais nilang ipagamit sa kanilang mga anak sa panahon ng pag-aaral ng mga ito.

Nabatid na magtatagal ang enrollment period hanggang sa Hunyo 30 habang ang klase ay magbubukas naman sa Agosto 24. Una naman ng nilinaw ng DepEd na kahit magbalik na ang klase ay hindi pa rin sila magsasagawa ng ‘face-to-face classes’ hanggat wala pang inilalabas na bakuna para sa COVID-19, alinsunod na rin sa direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte.

 

 

ONLINE ENROLLMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with