DILG at DOTr, umapela ng pang-unawa
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaapela ng pang-unawa at pasensiya ang pamahalaan mula sa publiko dahil sa limitado pa ring transportasyon, na nagdulot ng pahirap sa maraming commuters at manggagawa, na balik-trabaho sa unang araw nang pagpapairal ng general community quarantine sa Metro Manila  kahapon.

 Kasabay nito, tiniyak rin nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa publiko, na pansamantala lamang ang kasalukuyang sitwasyon at magiging maayos rin ang lahat, sa sandaling tuluyan nang matapos ang kinakaharap na krisis ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Año, unti-unti ang gagawing pagbabalik ng transportasyon upang hindi na bumalik pa sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).

“Phasing by phasing po tayo. Kaunting pasensiya lang, mahirap naman kasi kung bibiglain tapos babalik na naman tayo sa ECQ na naman eh mas lalo pong di tayo makakausad,” ani Año, sa isang press briefing. “Kaunting pakiusap at pag-uunawa sa ating publiko at malalampasan din naman natin ito. Maganda nga po nakarating na tayo sa GCQ sana ay huwag na tayong babalik sa ECQ o modified ECQ.”

“Humihingi ho ako sa inyo ng kapatawaran at understanding. Ito ho ay panandalian lamang. Hopefully the time will come when majo­rity will benefit in comfort and convenience with all the improvements we are trying to do at this time,” ayon naman kay Tugade, sa panayam sa telebisyon.

“Wala ho kaming pina­ngako o sinabi na ang transportasyon ay magiging extensive and will meet the requirements of all on the first day of GCQ and even in the duration of the GCQ for that matter,” aniya pa.  “Meron pa hong mga limitasyon ‘yan, kaya nga at ang binabagtas namin na approach sa transportasyon ay yung tinatawag naming limited, gradual, partial, and calculated... Sa ganitong paraan talagang meron pong mapapahirapan, magkakaroon ng inconvinience.”

 

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with