^

Bansa

18,638 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas matapos madagdagan nang 552

James Relativo - Philstar.com
18,638 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas matapos madagdagan nang 552
Kuha ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na pauwi sa kani-kanilang mga bayan matapos ma-quarantine ng ilang linggo, ika-28 ng Mayo, 2020.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines (Updated 7 p.m.) — Parami pa rin nang parami ang bilang ng coreonavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Kamaynilaan at iba pang bahagi ng bansa.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), Lunes, nadagdagan pa ng 18,638 ang kumpirmadong kaso — dahilan para umabot na ito sa 552.

Ang mga panibagong kaso, nagmula sa mga sumusunod:

  • fresh cases (119)
  • late cases (433)

Ang mga "fresh cases" ay nagmula sa mga resultang naibahagi sa mga pasyente sa nakalipas na tatlong araw. Ang mga "late cases naman ay mula sa mga resultang lampas apat na araw nang naibigay.

Sa mga bagong kaso, 94 ang sinasabing nagmula sa National Capital Region (NCR); isa sa Region 7; 20 sa iba pang lugar; apat mula sa mga repatriate.

Sa mga nahuling ma-validate, 137 ang galing sa NCR; 98 ang galing sa Region 7; 182 sa iba pang lugar; 16 sa mga repatriate.

"Minsan nga ang fresh cases eh mababa, minsan mataas," sabi ni Dr. Troy Hepte, isang public health epidemiologist, sa virtual briefing ng DOH.

"'Yung ganoong variation po, you can expect that po when we are trying to fast track po 'yung validation."

Bagama't papataas ang bilang ng mga kaso, nangangahulugan naman daw na "mas napapalapit" na ngayon ang publiko sa tunay na sitwasyon ng bansa kaugnay ng COVID-19.

Biyernes nang unang baguhin ang breakdown ng mga kaso ng contagion sa bansa, para na rin daw malinaw kung ano ang mga totoong bagong kaso at yaong mga nabinbin lang.

Samantala, 960 na ang namamatay sa sakit. Mas marami 'yan nang tatlo kumpara kahapon. Samantala, umabot na sa 3,979 ang gumagaling sa virus.

Kanina lang nang manumbalik ang limitadong pampublikong transportasyon sa Kamaynilaan dahil sa pagdedeklara ng GCQ.

Kahit umaariba pa rin ang viral infections sa bansa, isinagawa ito ng pamahalaan bilang "pagbabalanse" sa pangangailangan ng ekonomiya at kabuhayan ng mga apektado ng lockdown.

Sa ngayon, 5.9 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 367,166 na ang binabawian ng buhay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with