Ayon kay DOTr Assistant Sec. Mark de Leon, bagama’t ikinokonsidera nilang ‘high-risk’ sa hawahan ng COVID-19 ang mga jeepneys at UV Express, posibleng agad ding mapahintulutan ang mga ito na bumiyahe.
Michael Varcas
Biyahe ng jeepneys, UV Express mapapaaga – DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng mapaaga ang pagbiyahe ng mga jeepneys at UV Express units sa Metro Manila  kung makikita ng Department of Transportation (DOTr) na hindi sasapat ang bilang ng mga public utility vehicles (PUVs) na nagsisilbi sa publiko mula Hunyo 1 hanggang 21.

Ayon kay DOTr Assistant Sec. Mark de Leon, bagama’t ikinokonsidera nilang ‘high-risk’ sa hawahan ng COVID-19 ang mga jeepneys at UV Express, posibleng agad ding mapahintulutan ang mga ito na bumiyahe.

“Kung hindi sufficient ang bus na ‘yan, ang next na titignan natin ay ‘yung mga modern jeepneys. Kapag hindi pa rin availa­ble ‘yang mga modern jeepneys na ‘yan, saka na lang tayo titingin kung may available na UV Express at lumang jeepneys,” ani De Leon.

Una nang inianunsiyo ng DOTr na magkakaroon ng dalawang phase sa pagbabalik ng public transportation sa Metro Manila ngayong nasa ge­neral community quarantine (GCQ) na ito simula ngayong Hunyo 1.

Sa ilalim ng Phase 1, na ipatutupad mula Hunyo 1-21, pinapayagan nang bumiyahe ang mga tren at bus augmentation, taxis, transport network vehicle services (TNVS), shuttle services, point-to-point buses at mga bisikleta, ngunit may limitadong passenger capacity lamang.

Papayagan din ang mga tricycle, ngunit dapat aprubado muna ng local government units kung saan sila papasada.

Bawal namang makapasok sa MM ang mga provincial buses mula Hunyo 1-21.

Sa Phase 2, na magsisimula ng Hunyo 22-30, maaari na ring makapag-operate ang public utility buses, modern PUVs o jeepneys, at UV Express pero sa limitado ring passenger capacity

PUVS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with