^

Bansa

Barberya, salon puwede nang magbukas sa Hunyo 7

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Barberya, salon puwede nang magbukas sa Hunyo 7
Ayon kay Presidential Spokesperon Harry Roque sa Laging Handa public briefing, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang Resolution No. 41 kung saan inilagay sa category 3 ang mga barbershops at salons.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Pinayagan na rin ng gobyerno ang muling pagbubukas ng mga barbershops at salons sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ)  simula sa June 7.

Ayon kay Presidential Spokesperon Harry Roque sa Laging Handa public briefing, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang Resolution No. 41 kung saan inilagay sa category 3 ang mga barbershops at salons.

Nilinaw din ni Roque na hanggang 30% lamang ang capacity ng ope­rasyon ang papayagan.

Pagkatapos ng dalawang linggo o sa June 21 ay pupuwedeng itaas ang capacity sa 50 porsiyento.

Para naman sa mga lugar na nasa modified general community qua­rantine (MGCQ) papayagan na ang 50% opera­ting capacity at maaaring itaas sa 100% pagkatapos ng tatlong linggo.

Pero nilinaw din ni Roque na pagpapagupit lamang ng buhok ang papayagan dahil bawal pa rin ang facial, manicure, pedicure, at pagpapatanggal o pagpapaayos ng kilay.

Naglatag na rin ang DTI ng mga komprehensibong guidelines kabilang ang contactless appointments at pagbabayad.

Halimbawa na lamang dito ang ibabayad ng mga kustomer matapos mag­pagupit ay ilalagay sa nakalaang tray sa loob ng parlor.

Dapat ang naggugupit ay palaging nakasuot ng face masks, tuparin ang one-meter distance, i-sanitize palagi ang work stations at mga tools na ginagamit, may disinfection mats sa entrances, tatakpan ang mga furnitures at ang kasama nang nagpapagupit kung maaari ay bawal muna sa loob ng salon.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with