^

Bansa

Jeepneys bawal pa rin sa GCQ

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Jeepneys bawal pa rin sa GCQ
“Pasensya na po sa ating mga kapatid na namamasada ng mga jeepney, pero pinag-aaralan pa po kung paano magkakaroon ng social distancing sa ating mga jeepneys,” ani Presidential Spokesperson Roque.
BusinessWorld/File

Pasensiya na po’ - Malacañang

Humingi kahapon ng paumanhin si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga tsuper ng jeep na hindi pa rin papayagang mamasada sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Roque, pag-aaralan pa kung papaano magkakaroon ng social distancing sa mga jeep.

“Pasensya na po sa ating mga kapatid na namamasada ng mga jeepney, pero pinag-aaralan pa po kung paano magkakaroon ng social distancing sa ating mga jeepneys,” ani Roque.

Nauna rito, umalma ang mga transport groups sa desisyon na huwag payagan ang mga jeepney na bumiyahe ngayong GCQ kahit halos tatlong buwan na silang walang trabaho.

Sinabi ni Roque na bagaman at bahagyang magbubukas ang pampublikong transportasyon pagsapit ng Hunyo 1, pero pananatilihin pa rin ang social distancing.

Ipinaliwanag ni Roque na mahirap ipatupad ang social distancing sa mga jeep kung saan magkaharapan ang mga pasahero.

Tiniyak ni Roque na pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force kung papaano magkakaroon ng social distancing sa mga jeep lalo na sa mga prototype na hindi magkaharapan ang upuan.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with