Dine-in sa mga restaurants irerekomenda sa GCQ areas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang gradual opening ng dine-in services sa mga restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo sa virtual hearing ng House Committee on Trade and Industry, tanging ang mga restaurants lamang na sumusunod sa DTI-issued safety protocols ang papayagan na makabalik-operasyon.

“All operations are subject to post-audit from DOLE, DTI, DOT, LGU Health Officer and/or other deputized organizations,” ani Castelo.

Dapat may wastong ventilation at sanitized palagi ang mga kagamitan sa loob ng restaurant, at palaging ipinapatupad ang social distancing.

Ipagbabawal naman ang self-service o customer refill stations, buffet at salad bars at lilimitahan lamang sa 50 percent ng capacity ng lugar ang papayagan na makapag-dine in.

Hindi rin pahihintulutan ang mga personnel na pumasok kung may sintomas ng COVID o may exposure, bawal ang magsuot ng alahas tulad ng relo o anumang metal, paggamit ng personal hygiene, pagpapatupad ng social distancing, pagsusuot ng face shield, gloves, hair caps face mask, closed shoes, pag-dispose ng maayos ng mga utensils at plato.

Wala ring dapat na maging kontak sa pagtanggap ng bayad sa kustomer at dapat ay may tray sa pagkuha ng cash at kung maaari ay gumamit ng credit card at non-cash digital payment.

Ayon sa restaurant industry, malaki ang kanilang lugi sa nakalipas na mahigit dalawang buwan matapos na ipinatupad ang lockdown.

Bagama’t kumikita sa food deliveries, hindi naman aniya sapat ito para punuan ang pera na kanilang inilalabas para mapanatili lamang ang kanilang mga empleyado.

Tinatayang nasa 6,700 fine at casual dine-in restaurants,4,500 fast food restaurants, 1,500 cafes at 3,800 food kiosks ang naapektuhan ng COVID pandemic sa bansa.

 

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with