^

Bansa

Anak na mayor ni Bro. Eddie namatay

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay ang anak ni Jesus Is Lord founder at CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva na si Bocaue, Bulacan Mayor Joni Villanueva.

Dakong alas-5:07 kamakalawa ng hapon, habang dina-dialysis sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig nang ma-cardiac arrest at binawian ng buhay ang 42 anyos na alkade.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, nakatatandang kapatid ng alkalde, bago pa ang lockdown at inilagay sa Enhance Community Quarantine ang buong Luzon dahil sa COVID-19, nakakaramdam na ang batang mayor ng panghihina ng katawan at madalas na nahihilo at pananakit ng kanyang mga kalamnan.

Pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna ng ilang linggo subalit mas ninais ni Mayor Joni na magtrabaho dahil sa hindi niya kayang iwan ang kanyang mga kababayan sa gitna ng dinaranas na krisis dahil sa pandemya.

Dahil sa sobrang pagod ng mayor at kadalasang nabibilad sa gitna ng init ng araw sa pamimigay ng relief sa kanyang mga kababayan sa Bocaue, ay bumigay na ang kanyang katawan at kinailangan na niyang isugod sa nasabing ospital.

Si Mayor Joni ang nag-iisang anak na babae ni Bro. Eddie.

Naiwan ni Mayor Joni ang kanyang asawa na si dating CIBAC Partylist Rep. Atty. Sherwin Tugna at apat nilang anak.

Hahalili sa pwesto ni Mayor Joni ang kanyang Vice Mayor na si JonJon Santiago.

Noong Marso 11, 2020, namatay ang ina ni Mayor Joni na si Sister Dory dahil din sa malubhang sakit.

 

vuukle comment

JONI VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with