“I would like to emphasize: There is no conflict, there is no disagreement, there is no debate between the pronouncement of the president and of the department because they are exactly the same,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, sa isang virtual public briefing.
Geremy Pintolo/File
Face-to-face classes’ ‘di pa papayagan ng DepEd
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na kahit magbukas na ang klase sa Agosto ay hindi muna nila papayagan ang pagkakaroon ng ‘face-to-face classes,’ dahil na rin sa banta ng COVID-19.

“I would like to emphasize: There is no conflict, there is no disagreement, there is no debate between the pronouncement of the president and of the department because they are exactly the same,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, sa isang virtual public briefing.

“We will not allow face to face na physical na…nagdidikitan ang mga bata. Hindi papayagan yan ng DepEd,” paglilinaw niya.

Nauna rito, sinabi ng DepEd na ang pagsasagawa ng face-to-face classes ay depende sa risk level sa lugar, kung nasaan ang paaralan.

Gayunman, tinutulan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing hanggang walang bakuna laban sa COVID-19 ay hindi pa rin dapat magbalik-eskwela ang mga mag-aaral.

“Sinasabi natin na patuloy pa rin ang edukasyon sa ibang pamamaraan,” ayon naman kay Briones.

Una nang itinakda ng DepEd ang enrolment ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula Hunyo 1 hanggang 30, habang ang pagsisimula naman ng klase ay itinakda sa Agosto 24.

LEONOR BRIONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with