^

Bansa

Gadgets sa mga mag-aaral ‘di kailangan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Gadgets sa mga mag-aaral �di kailangan
Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, naghahanda na sila ng mga printed learning materials para sa mga mag-aaral, na walang gadgets na kinakaila­ngan para sa alternative learning at wala ring access sa internet.
www.gov.ph

MANILA, Philippines — Hindi kailangang ibili ng mga magulang ng gadgets ang kanilang mga anak upang makalahok sa alternative learning, sakaling tuluyan na ngang magsimula ang klase sa Agosto 24.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, naghahanda na sila ng mga printed learning materials para sa mga mag-aaral, na walang gadgets na kinakaila­ngan para sa alternative learning at wala ring access sa internet.

Gagawan aniya nila ng paraan para maihatid ang naturang printed materials sa mga estudyante.

Magsasagawa rin sila ng survey sa panahon ng enrolment sa mga magulang, upang matukoy ang pamamaraan ng pagtuturo na pinapaboran nila ngayong may pandemic.

“Kahit ho walang gadget at internet, kami po ay naghahanda rin ng mga printed learning modules at gagawan natin ng paraan na ihatid sa mga tahanan o kaya merong coordinated na pag-pick up nitong mga printed learning modules na ito,” pahayag pa ni Malaluan.

Matatandaang sa Hunyo 1 hanggang 30 ay tuloy na ang enrolment ng mga mag-aaral, habang ang pagsisimula ng klase ay nakatakda sa Agosto 24.

vuukle comment

NEPOMUCENO MALALUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with