^

Bansa

DepEd pagpapaliwanagin ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
DepEd pagpapaliwanagin ng Kamara
Sinabi ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, na maghahain siya ng resolusyon upang linawin ng DepEd kung ano talaga ang nararapat na gawin ng gobyerno para sa pagbubukas ng klase sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.
Facebook / Cong. Eric Go Yap

MANILA, Philippines — Dahil sa magkakaibang opinyon ng mga opisyal ng pamahalaan, pagpapaliwanagin ng Kamara ang Department of Education (DepEd) kung dapat pang ituloy o ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto para sa school year 2020-2021.

Sinabi ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, na maghahain siya ng resolusyon upang linawin ng DepEd kung ano talaga ang nararapat na gawin ng gobyerno para sa pagbubukas ng klase sa gitna na rin ng  COVID-19 pandemic.

“Once and for all, ano ba talaga? Safe bang buksan ang klase sa Agosto o hindi? Nalilito ang publiko dahil sa magkakaibang pahayag. Kailangang makasiguro tayo at dapat tama ang aksyon natin dahil kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante ang nakasalalay dito,” pahayag ni Yap.

Binigyang diin ng mambabatas na bilang mga opisyal ng DepEd ay dapat may sarili ang mga itong ‘stand’ sa isyu ng pagbubukas ng klase na dapat klaruhin sa publiko lalo na sa mga magulang ng mga apektadong estudyante.

Layunin din umano ng resolution at imbestigasyon na matukoy ang kahandaan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng “new normal” sa mga paaralan, sakaling matuloy ang pagbubukas ng klase.

Una nang sinabi ni Pa­ngulong Duterte na hindi siya payag na magsimula ang mga klase sa bansa hangga’t walang nadidiskubreng bakuna kontra sa virus na COVID 19. Gayunman, ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque ay tuloy ang pagbubukas ng klase na itinakda sa Agosto 24.

Sa huli, iginiit ni Yap na basta masiguro ang kaligtasan ng mag-aaral ay yun ang ire­rekomenda nila para sa magiging desisyon ng pamahalaan sa pagbabalik eskuwela.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with