Chinese nationals sa underground hospitals i-deport, i-blacklist
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat ipa-deport agad at ilagay sa blacklist ang mga Chinese nationals na nahuling nag-o-operate ng mga hindi awtorisadong ospital na gumagamot umano sa mga Tsino na hinihinalang may COVID-19.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, habang ginagawa ng mga Filipino ang lahat ng pag-iingat at pagsunod sa quarantine measures para maprotektahan sila mula sa virus, ang naturang mga Chinese ay nagbabanta naman umano sa kalusugan ng publiko.

Ang panawagan ni Hontiveros ay bunsod sa pag-raid ng mga otoridad sa Parañaque, Pampanga at Makati sa mga illegal na operasyon ng ospital at pharmacies na gumagamot ng mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at Chinese nationals.

Paliwanag pa ni Hontiveros, na ang underground at unlicensed medical facilities ay banta sa kalusugan ng publiko dahil wala silang regulasyon at maaaring pagmulan ng community transmission.

Bukod dito, nalalagay din umano sa alanganin ang mga komunidad at ang waste quarantine efforts dahil sa mga medical facilities na ito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with