Mas maluwag na GCQ sa Metro Manila aprub kay Duterte mula June 1
James Relativo (Philstar.com) - May 28, 2020 - 7:31pm

MANILA, Philippines (Update 2,  10:39 p.m.) — Luluwagan na ng gobyerno ang lockdown nito sa ilang lugar sa Pilipinas matapos ang halos dalawang buwang enhanced community quarantine (ECQ) kontra coronavirus disease (COVID-19), paglalahad ng presidente sa isang talumpati, Huwebes nang gabi.

"The NCR will now be placed under the general community quarantine, or the GCQ, starting June 1," wika ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mananatili din sa GCQ ang Region II, III, IV-A, Pangasinan at Albay hanggang ma-review ang pangkalahatang sitwasyon. Kasama rin sa GCQ ang Davao City.

"The rest of the country would be placed under modified general community quarantine," dagdag pa niya.

(BASAHIN: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference)

'Yan ang inanunsyo ni Digong patungkol sa Metro Manila, dahilan para ma-relax ang mga restrictions sa paglabas-labas ng bahay sa punong rehiyon ng Pilipinas — 72 araw simula nang ipatupad ang ECQ noong ika-17 ng Marso.

Simula noon, pinagbawalang lumabas ang maraming Pilipino mula sa kani-kanilang bahay, suspendido ang mga pampublikong transportasyon, walang pisikal na pasok sa paaralan at ipinagbawal ang mga "mass gatherings."

Nauwi rin ang lockdown sa mga pisikal na parusa, pagkakabugbog, pagkakaaresto at pagkakabaril ng ilang "lumalabag" sa mga probisyon ng quarantine. Ang ilan, namimigay lang ng pagkain sa mga gutom.

Ilan sa mga itinuturong dahilan sa pagli-lift sa mga nasabing restrictions ang pagbawi sa nanamlay na ekonomiya ng Kalakhang Maynila buhat ng lockdown.

'Walang face-to-face classes'

Samantala, tiniyak naman ni Education Secretary Leonor Briones na tuloy ang mga klase sa Agosto, ngunit wala raw magaganap na pisikal na klase.

Aniya, suportado ni Duterte ang itinutulak na "blended" learning ng DepEd, na gagamit ng telebisyon, radyo at internet sa pagtuturo.

"These are all consistent with your preference that we should not be physically sending our children until this is safe to do so," ani Briones.

"The first and foremost concern is the health and safety of our learners and teachers. The regions are different from each other. Some have interconnectivity. What we are doing is to translate our curriculum."

Una nang sinabi ng pangulo na 'di siya pabor sa face-to-face classes hangga't walang nailalabas na bakuna laban sa COVID-19.

Kanina nang banggitin ni presidential spokesperson Harry Roque na maaaring humingi ng tulong ang gobyerno sa mga pribadong kumpanya, gaya ng ABS-CBN kung makabalik sila sa ere, para sa distance learning.

Transportasyon sa 'new normal'

Ayon naman kay Transportation Secretary Arthur Tugade, magpapatupad ng "gradual, calculated approach" ang DOTr pagdating sa pampublikong transportasyon.

Manunumbalik na rin ang operasyon ng mga tren sa Metro Manila oras na mailagay ito sa GCQ sa Lunes: "Huwag i-expect ang operation ng tren e 100%," sabi niya.

Plano rin daw ngayon ng ahensya na magtayo ng mga bicycle lanes, lalo na't limitado ang magiging papel ng public transportation sa ilalim ng quarantine.

Palalawigin din daw ang "international aviation gateways" sa Clark, Cebu at Davao oras na mailipat ito sa GQC.

Kahapon nang irekomenda ng ilang dalubahasa mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman ang pananatili ng National Capital Region (NCR) sa "modified" na bersyon ng ECQ, sa dahilang high-risk pa rin daw ang lugar sa nakamamatay na virus.

Umabot na sa 15,588 ang kabuuang bilang ng nadadali ng virus sa Pilipinas simula nang makapasok ang sakit sa bansa. Sa bilang na 'yan, 921 na ang namatay. — may mga ulat mula kina Jonathan de Santos, Franco Luna at The STAR/Alexis Romero

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE LOCKDOWN METRO MANILA MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE NATIONAL CAPITAL REGION NOVEL CORONAVIRUS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with