5.2 magnitude na lindol yumanig sa San Fernando, La Union
Satellite image ng San Fernando, La Union
Google Maps
5.2 magnitude na lindol yumanig sa San Fernando, La Union
(Philstar.com) - May 28, 2020 - 2:14pm

MANILA, Philippines (Update 1, 2:40 p.m.) — Habang pineperwisyo ng coronavirus disease (COVID-19) ang kalakhan ng Pilipinas, inuga naman ng 5.2 magnitude na lindol sa rehiyon ng Ilocos, Huwebes nang hapon.

Una nang ibinalita ito bilang magnitude 5.1 ngunit itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, natagpuan ang epicenter ng lindol sa San Fernando, La Union, 1:17 p.m.

Naitala ang Intensity IV (moderately strong) na lindol sa:

  • San Fernando, Caba at Balaoan, La Union
  • Labrador at Bolinao, Pangasinan
  • Dagupan City

Intensity III (weak) naman sa: 

  • Urdaneta City at Villasis, Pangasinan
  • Baguio City
  • Quezon City
  • Marikina City
  • Obando, Bulacan

Intensity II (slightly felt) naman ang nadama sa:

  • Cainta, Rizal
  • San Fernando, Pampanga
  • Valenzuela City
  • Navotas City
  • Pasay City 
  • Parañaque City
  • Manila
  • San Jose Del Monte City, Bulacan

"Wala pa tayong nakukuhang report ng pinsala, kasi kung intensity IV lang ang nadamang pagyanig, hindi tayo nag-eexpect ng damage diyan," sabi ni Phivolcs director Renato Solidum sa panayam ng dzBB.

"Mararamdaman ng tao lalo na kung nakaupo o nakahiga na malakas, marami-rami ang makakaramdam, pero hindi naman ito damaging."

Inaasahan na susundan ito ng mga aftershocks ngunit dahil sa nangyari ito kaugnay ng paggalaw ng "trench," hindi gaano kalaki ang magnitude ng mga susunod na pag-uga.

EARTHQUAKE LA UNION PHIVOLCS REGION 1
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with