^

Bansa

'Highest sa isang araw': COVID-19 cases sa Pinas sumirit nang 539, umabot sa 15,588

James Relativo - Philstar.com
'Highest sa isang araw': COVID-19 cases sa Pinas sumirit nang 539, umabot sa 15,588
Dumadaan ang siklistang ito sa isang "drive thru" COVID-19 testing booth sa Antipolo, Rizal.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines (Updated, 5:08 p.m.) — Habang hinihintay ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suwestyong ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang mga nagpapatupad ng mahihigpit na lockdown sa bansa, nagdagdagan uli ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, Huwebes.

Sa huling taya ng Department of Health, umabot na ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit sa 15,588. Nadagdagan pa kasi ng 539 ang kumpirmadong nahawa ng sakit.

Ito na ang pinakamalaking pagtaas ng COVID-19 cases sa isang araw lang sa Pilipinas simula nang maitala ang 538 karagdagang kaso noong Marso.

"Kumpara sa nakaraang araw, ang trend ng bilang ng mga kaso ay tumataas, ngunit dahil ho ito sa patuloy na pagtaas ng mga bilang ng mga kaso na... nava-validate na sa ngayon," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

"Inaasahan pa rin ho natin na sa mga darating na araw, maaari pa pong tumaas ang ating mga kaso."

Karamihan daw sa mga nasabing kaso ay masasabing "lokal."

Naitala ang mga panibagong kaso sa:

- National Capital Region (330)
- iba pang lugar (99)
- Central Visayas (55)
- repatriate (55)

Nasa 11,069 naman ang aktibong kaso ngayon, na nangangahulugang hindi pa sila gumagaling o namamatay sa virus.

Hindi naman pinalad ang 17 iba pa ngayong araw, dahilan para umabot na sa 921 ang namamatay sa sakit.

Gayunpaman, mas marami naman ang gumagaling dito sa bilang na 3,598.

Kanina lang nang sabihin ng DOH na target nilang mapababa sa "zero" ang "backlogs" ng mga datos.

"Backlogs are those samples [from patients] already taken but the results are yet to be released by the laboratories. Two weeks ago, ang backlog natin ay 12,000. Umonti na siya," sabi niya sa virtual forum ng DOH.

"Noong Lunes, 7,000 na lang, naibaba natin sa 5,000 at ngayon nga, 3,683. Ang target natin, by tonight, we will be reducing all of the backlogs to zero."

Kanina lang nang ianunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na inirerekomenda na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (ITAF-EID) ang pagdedeklara ng mas maluwag na GCQ sa Kalakhang Maynila simula ika-1 ng Hunyo.

Inaabangan naman ang talumpati ni Duterte mamayang gabi, kung saan inaasahang magkokomento siya sa mga rekomendasyon.

Halos 5.5 milyon na ang nahahawaan ng nakamamatay na virus sa buong mundo, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 349,190 na ang namamatay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with