^

Bansa

Walang bakuna, walang klase – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Walang bakuna, walang klase � Duterte
Ipinahiwatig pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga opisyal ng Local Government Units na mas importante ang buhay at iisa lamang ang ating katawan kaya dapat mauna ang bakuna bago ang klase. Bagaman at walang
Joven Cagande, file

MANILA, Philippines — Hindi papayagan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng klase hangga’t walang nadidiskubreng bakuna laban sa COVID-19.

“Mga bata huwag muna. Iyang --- iyang opening ng classes, that’s a very --- hindi… I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit iyang mga bata na ‘yan. Bahala na hindi na makatapos. For this generation, wala na matapos na doktor pati engineer. Wala,” sabi ng Pangulo sa public address niya kamakalawa ng gabi.

Mas mabuti pa aniyang maglaro na lang muna at maaari lamang pumasok sa mga eskuwelahan kapag tiyak na ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ipinahiwatig pa ni Duterte sa mga opisyal ng Local Government Units na mas importante ang buhay at iisa lamang ang ating katawan kaya dapat mauna ang bakuna bago ang klase.

Bagaman at walang binanggit ang Pangulo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang tinutukoy nito ay ang “face to face” na klase.

“Ano ba hong ibig sabihin ng Presidente noong sinabi niyang wala munang pasok habang walang bakuna.” Iyon po ang sinabi ng Presidente, ibig sabihin po niyan habang wala pang bakuna at habang wala pa tayo sa new normal, iyong wala na pong community quarantine, hindi pa rin po tayo magkakaroon ng face-to-face classroom na mga klase,” sabi ni Roque.

Nauna rito, inihayag ng Department of Education na magbubukas ang klase sa Agosto 24, 2020 at matatapos sa Abril 30, 2021.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with