Ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naiintindihan niya na may mga opisyal ng LGU na nais protektahan ang kanilang teritoryo ngayong panahon ng pandemic. Pero hindi naman lahat aniya ng mga uuwing OFWs ay nagkasakit at masyadong malupit kung pagbabawalan silang umuwi sa kanilang mga tahanan.
Edd Gumban
LGUs na ‘di tatanggap sa OFWs kasuhan – Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng utos na tanggapin lahat ang mga uuwing Overseas Filipino Workers, nagbabala si Pangulong Rod­rigo Duterte na maaaring sampahan ng kaso ang mga opisyal ng local government units na hindi tatanggap sa mga ito.

“Do not impede it. Do not obs­truct the movement of people because you run the risk of getting sued criminally,” pahayag ni Duterte sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.

Ipinahiwatig ni Duterte na naiintindihan niya na may mga opisyal ng LGU na nais protektahan ang kanilang teritoryo ngayong panahon ng pandemic. Pero hindi naman lahat aniya ng mga uuwing OFWs ay nagkasakit at masyadong malupit kung pagbabawalan silang umuwi sa kanilang mga tahanan.

Sinabi pa ng Pangulo na magkakagulo sa Pilipinas kapag hindi tinanggap ang libu-libo pang parating na mga OFWs.

Idinagdag ng Pangulo na walang maaring pumigil sa karapatan ng isang tao na magbiyahe, lumabas o pumasok ng bansa at pansamantala lamang ang pagpigil sa galaw ng mga mamamayan dahil sa COVID-19.

Tanging ang national go­vernment lamang anya ang maaaring magbawal sa pagbibiyahe dahil ito ang nag-iisang ahensiya na maaring magdeklara ng emergency para sa interes ng bansa.

Inutusan ng Pangulo ang mga siyudad na buksan ang kanilang lugar at hayaan ang mga mamamayan na magbiyahe.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with