^

Bansa

'Ang kupad': WHO official pinabibilis ang COVID-19 contact tracing ng Pilipinas

Philstar.com
'Ang kupad': WHO official pinabibilis ang COVID-19 contact tracing ng Pilipinas
"Drive-thru testing" for para sa mga residente at patients under investigation (PUIs) ng Lungsod ng Taguig.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inalerto ng isang opisyal ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno ng Pilipinas sa aniya'y mabagal na pagtunton sa mga nakasalamuha ng mga nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang online forum ng Philippine College of Physicians, sinabi ni Dr. Soccoro Escalante, acting representative ng WHO, na dapat magdoble-kayod ang bansa.

"Ang masasabi ko, mabagal tayo... kailangan nating paigtingin ang pagtratrabaho," ani Escalante sa Inggles, Lunes

Aniya, madalas sinisimulan ang contact tracing matapos makumpirma ang mga test results bago maipadala sa mga epidemiology office.

Ang prosesong ito, inaabot daw ng 13 araw magmula nang dumating ang isang pasyente sa ospital.

"Pagdating ng oras na 'yun, naikalat na ang infection sa maraming tao, at napaka, nakapa-late na noon," ani Escalante.

Mungkahi niya, dapat simulan ang paghahanap sa mga close contacts oras na dumating ang "suspect case" sa ospital. Hindi na raw dapat hintayin pa ang resulta.

Ang mga suspect case ay madalas na may lagnat, umuubo o maiiksi ang paghinga, na may nakasalamuhang kumpirmadong kaso o pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 dalawang araw bago magkasakit.

Sa ngayon, 86% (64,306) nang close contacts ng mga kumpirmadong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH). Sa bilang na 'yan, 12% (7,436) ang kinikilalang suspect cases, ayon kay Dr. Alethea de Guzman ng epidemiology bureau ng DOH.

Pangamba tuloy ni Escalante, napakaiksi na lang ng nalalabing oras para pahusayin ang pagtunton sa mga naturang contacts.

Sa Linggo na kasi magtatapos ang modified enhanced community quarantine (MECQ), na ibinaba sa Metro Manila at ilang mayor na lugar sa bansa. 

"Kailangang maayos ang pagkakaantala ng contact tracing dahil kung hindi, hindi tayo makakahalos sa pagdami ng hawaan," babala ng doktora.

Paliwanag ni De Guzman, napatatagal ang proseso dahil sa "kulang-kulang" na mga entry at hindi maintindihang sulat sa mga case investigation forms.

"Walang real-time na bahaginan ng impormasyon, pero kaya nating palapitin doon [hangga't kaya]," sabi ni De Guzman sa parehong forum.

Tinitignan na rin daw ang paggamit ng isang aplikasyon na makapagpapaiksi ng proseso mula 13 araw patungong dalawang araw. 

Sa huling tala ng DOH, Lunes, umabot na sa 14,319 ang nahahawan ng virus. Sa bilang na 'yan, 873 na ang namamatay. — James Relativo

vuukle comment

CONTACT TRACING

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with