^

Bansa

Sabotahe sa online petition ng ABS-CBN employees pinalagan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena ng ABS-CBN Rank and File Employees’ Union at ng ABS-CBN Supervisory Employees’ Union ang anila’y pananabotahe ng mga troll sa signature campaign ng kanilang organisasyon na humihiling sa pagbabalik-operasyon ng ABS-CBN. 

Ayon kay Jon Villanueva, pangulo ng ABS-CBN Rank and File Employees Union, pumirma sa natu­rang petisyon ang trolls and bots, gamit ang mga peke at malalaswang usernames. 

“Sa ngayon, nililinis namin ang aming database para muling masimulan ang aming petisyon. Titiyakin na naming protektado ito laban sa mga mapanirang grupo. Hindi kami uurong sa laban na ito dahil ito ay para sa aming pamilya, sa aming mga anak at sa kani-kanilang kinabukasan,” ani Villanueva.

Ayon pa kay Villanueva, natitiyak ng kanilang grupo na ang mga sumabotahe sa kanilang petisyon ay binubuo ng mga taong tutol sa muling pagbabalik-operasyon ng naturang himpilan at naglalayong ipasara na ito nang tuluyan. 

Mababatid na libu-libong manggagawa ng ABS-CBN ang naglunsad ng naturang signature campaign noong Mayo 22 at nanawagan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa ang panukalang batas na nagbibigay ng panibagong prangkisa sa nasabing kumpanya. 

Nagpasalamat naman sa publiko si Raul de Asis, tagapangulo ng ABS-CBN Supervisory Employees’ Union, dahil sa aniya’y pagsuporta ng mga ito sa kanilang ipinaglalaban.

vuukle comment

ABS-CBN EMPLOYEES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with