Pagsailalim ng ilang tricycle operator at drivers sa mandatory mass testing ng Marikina sa muli nilang pamamasada sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
The STAR/Walter Bollozos
Tinamaan ng COVID-19 sa bansa 14,314 na, gumaling umabot ng 3,323
James Relativo (Philstar.com) - May 25, 2020 - 3:54pm

MANILA, Philippines (Updated 5:56 p.m.) — Wala pa ring humpay ang pagsipang coronavirus disease (COVID-19) infections sa Pilipinas anim na araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Kamaynilaan at iba pang mga bahagi ng Pilipinas.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), umariba pa ang bilang ng nahahawaan ng sakit sa bansa sa 284, dahilan para umabot na ito sa 14,314.

Naitala ang mga nabanggit sa:

  • Metro Manila (171)
  • Central Visayas (70)
  • iba pang lugar (43)

Sinasabing 10,123 naman ang aktibong kaso sa ngayon, na nangangahulugang hindi pa sila gumagaling o namamatay sa virus.

Samantala, 3,323 na ang gumagaling sa COVID-19 sa pagkakadagdag pa ng 74.

 

Hindi naman pinalad ang lima pa, kung kaya't pumatak na sa 873 ang patay sanhi ng virus.

Kanina lang nang iulat ang pagpabor ng 14 sa 17 alkalde sa National Capital Region na mailagay sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila matapos ang lagpas dalawang buwan na lockdown simula pa noong Marso.

Ipinatupad ang nasabing quarantine measures upang mapahupa ang tuloy-tuloy na pagdami ng COVID-19 infections sa bansa.

Sa ngayon, 34 na ang bilang ng RT-PCR licensed laboratories (Stage 5) sa bansa, na nagte-test kaugnay ng COVID-19.

Labas diyan, at sa 96 na stage 3 laboratories pataas sa Pilipinas, 120 pang pasilidad ang nag-aapply.

Sa ngayon, 5.2 milyon na ang nadadali ng sakit sa buong mundo. Sa bilang na 'yan, 337,736 na ang binawian ng buhay, ayon sa World Health Organization (WHO).

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito 

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with