File photo ng 260 OFW na napauwi sa pamamagitan ng "mass reptatriation" sa NAIA International Airport Terminal -1 in Pasay City, taong 2018.
The STAR/Jovenm Cagande, File
OFWs na natengga sa 'quarantine facilities' pauuwiin simula ngayong araw
(Philstar.com) - May 25, 2020 - 11:00am

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit-kumulang 24,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nagnegatibo sa kanilang coronavirus disease (COVID-19) swab testing ang mapapauwi sa kani-kanilang pamilya simula ngayong araw, Lunes.

Simula ngayong araw, maghahanda ng mga biyahe ng bus patungo sa mga sumusunod na lugar:

  • Bicol
  • Ilocos
  • Cagayan Valley
  • Cordillera Administrative Region
  • Central Luzon

Samantala, ihahanda naman daw ang mga flights hanggang Miyerkules sa:

  • Cagayan de Oro
  • Tacloban
  • Bacolod
  • Davao
  • Cebu
  • Iloilo
  • Zamboanga

Sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, 8,000 OFWs ang pauuwiin araw-araw sa susunod na tatlong araw sa pamamagitan ng "composite teams" ng Philippine Coast Guard at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Matagal-tagal nang natengga sa mga nasabing pasilidad ang mga nasabing OFW kahit na 14-araw lang silang dapat naka-quarantine sa mga pasilidad.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pauuwiin daw ang mga nabanggit bilang bahagi ng pangako ni Duterte sa mga OFW at kani-kanilang pamilya.

"Kailangan lang ipakita ng mga OFW ang kanilang quaratnine passes mula sa Bureau of Quarantine o mula sa negative list ng PCG... para mag-kwalipika sa return program," sabi ng DOLE sa kanilang pahayag sa Inggles.

Ifa-facilitate naman ng mga composite team sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at the NAIA Terminal 3 ang dokumentasyon ng mga OFW na cleared upang mapauwi.

"Ngayon, meron pa ngayon nitong buwan mula Mayo hanggang Hunyo na hanggang 44,000 na darating," sabi ni Bello sa hiwalay na panayam ng DZMM.

"Sa loob ng tatlong araw, pipilitin naming mapauwi lahat itong 24,000 by land and by air."

Aniya, susunduin na ang mga nabanggit sa kani-kanilang mga hotel ng Department of Transportation (DOTr), PCG at OWWA.

'May mananagot na'

Samantala, tiniyak naman ng Palasyo na mananagot ang mga nasa likod ng matagal na paglabas ng COVID-19 results ng mga OFW.

"Mayroon nang mananagot dito... Wala nang dahilan, no ifs, no but, kinakailangan ilabas ang resulta, kinakailangan mayroon nang hakbang na ginawa at talagang dapat nagbibiyahe na within one week," sabi ni presidential spokesperson Harry Roque.

"Hindi po katanggap-tanggap sa presidente na napakatagal nang na-swab ang mga OFWs at napakatagal ng paglabas ng kanilang resulta."

Una nang iniulat ng isang pag-aaral sa Ateneo de Manila Unviversity na nasa 400,000 OFW ang mawawalan ng trabaho dahil sa pandemya. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT NOVEL CORONAVIRUS OVERSEAS FILIPINO WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with