Ayon sa Department of Health (DOH), patuloy na ipinagagamit ang naturang injection sa publiko kahit na wala pang aplikasyon si Dr. Rodel Fabunan para sa Certificate of Product Registration (CPR).
Philstar.com/File
Fabunan injection vs COVID hinarang ng FDA
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Naglabas ang Food and Drugs Administration (FDA) ng cease and desist order laban sa paggamit ng ‘Fabunan Anti-Viral Injection’ na pinaniniwalaan ng marami na panlaban sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), patuloy na ipinagagamit ang naturang injection sa publiko kahit na wala pang aplikasyon si Dr. Rodel Fabunan para sa Certificate of Product Registration (CPR).

Namonitor ito ng ka­gawaran sa mga kuma­lat na litrato sa social media na ginagamit na ang bakuna sa Zambales, ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Matatandaan na nitong Abril ay hinikayat ng Malacañang ang DOH na pag-aralan ang Fabunan injection kung totoong nakagagamot nga laban sa COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na pinag-aaralan na nila ito ngunit hindi naman pormal na nag-aaplay ang doktor na nakaimbento ng bakuna para sa CPR.

“FDA has jurisdiction when it comes to the unregistered drug/vaccine, and Professional Regulation Commission (PRC) for the practice of medicine,” giit ni Vergeire.

Kung hindi pa umano pumapasa sa ‘clinical trials’ at hindi rehistrado sa FDA ay hindi ito maaa­ring ipagamit sa tao.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with