^

Bansa

Balasahan sa PhilHealth

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Balasahan sa PhilHealth
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, posibleng may kapaba­yaan sina PhilHealth President at CEO Ricardo Morales at Health Secretary Francisco Duque III, dahil hindi nila inaral kung paano magiging abot kaya ang COVID-19 test packages.
Senate PRIB/File

MANILA, Philippines  — Dahil sa umano’y overpriced na COVID-19 testing packages, humirit si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng balasahan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Drilon, posibleng may kapaba­yaan sina PhilHealth President at CEO Ricardo Morales at Health Secretary Francisco Duque III, dahil hindi nila inaral kung paano magiging abot kaya ang COVID-19 test packages.

Nabatid na si Duque ay chairman din umano ng board of directors ng PhilHealth.

Giit pa ni Drilon, posibeng mayroong ilang grupo sa loob ng PhilHealth na siyang nagtatakda ng presyo ng COVID testing kaya habang wala pang ebidensiya ay magsagawa muna ng balasahan sa loob ng kagawaran.

Nauna nang tinukoy ng senador na PhilHealth na ang sasagot sa P8,150 na binabayad kada COVID-19 test, pero doble aniya ang halagang ito kumpara sa presyo ng test kits na nabili ng private sector, kabilang na ang sa Philippine Red Cross, na kayang gawin ang test sa halagang P3,500 lamang.

Sa ngayon ay ibinaba na ng PhilHealth sa P4,200 ang testing package mula sa P8,150 matapos ang mga alegasyon na overpriced.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

FRANKLIN DRILON

RICARDO MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with