^

Bansa

SWS: 87% Pinoys, takot tamaan ng COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SWS: 87% Pinoys, takot tamaan ng COVID-19
Base sa mobile phone survey na isinagawa nitong Mayo 4-10, lumabas na 87% ng mga Pinoy ang nababahala na mahawa ang sinuman sa kanilang kaanak ng COVID-19.
AFP/Anthony Wallace/File

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino ang nangangamba na tamaan ng COVID-19, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Survey Station (SWS).

Base sa mobile phone survey na isinagawa nitong Mayo 4-10, lumabas na 87% ng mga Pinoy ang nababahala na mahawa ang sinuman sa kanilang kaanak ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 73 porsyento ang “worried a great deal” habang 14 porsyento ang “somewhat worried.”

Lumitaw din na 13% ang hindi nababahala na maapektuhan ng COVID habang 7% ang “worried a little” at 7% ang “not worried”.

Mas takot din ang mga Pinoy na mahawa ng COVID-19 kumpara sa ibang sakit na naminsala noon gaya ng Ebola noong 2014, Swine Flu noong 2009, Bird Flu noong 2006 at 2004, at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) noong 2003.

Lumabas sa survey na mas maraming residente sa Metro Manila ang nababahalang mahawa ng nakakahawang sakit (93%) at Visayas (91%) kumpara sa Mindanao na may 85% at Balance Luzon, 84%.

Mas mataas din ang nababahalang Filipino sa COVID-19 kumpara sa mga Britons, Australians, at Americans.

Sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, 88% ang nanga­ngamba na dapuan ng virus at 86% sa GCQ.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with