Sa kasalukuyan, iba’t ibang cash assistance ang ipinamamahagi ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Social Amelioration Program; Small Business Wage Subsidy program ng Department of Finance para sa mga empleyado ng micro, small and medium enterprises, Social Security System at Department of Labor and Employment COVID-19 Adjustment Measures Program.
Edd Gumban
SAP list ipinalalantad ni Sen. Go
(Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa mga report na maraming dumoble o higit pa sa pagtanggap ng COVID-19 emergency financial assistance, hiniling ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa concerned government agencies na gumawa ng mga hakbang upang maresolba ang isyu at hindi na maabuso ang pondo ng bayan.

Sa kasalukuyan, iba’t ibang cash assistance ang ipinamamahagi ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Social Amelioration Program; Small Business Wage Subsidy program ng Department of Finance para sa mga empleyado ng micro, small and medium enterprises, Social Security System at Department of Labor and Employment COVID-19 Adjustment Measures Program.

Sa pagdinig ng Senado na umaktong committee of the whole kasama ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, kinuwestyon ni Go ang DSWD kung ano ang ginagawa nitong hakbang sa ulat na may mga benepisyar­yong ilang beses nakakuha ng assistance.

Anang senador, may mga indibidwal na maraming beses nakakuha ng tulong sa isang programa pero muling nakakuha ng pera sa isa pang programa ng gobyerno.

Kaya ang kanyang suhes­tyon ay lumikha ng isang online portal na naglalaman ng listahan ng mga karapat-dapat na household beneficiaries ng iba’t ibang government assistance upang ito’y maging transparent.

Bilang tugon kay Go, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong umiiral na data-sharing agreement sa pagitan ng DSWD, Department of Trade and Industry, Office of the Executive Secretary at DOLE para maiwasan ang duplikasyon ng pamamahagi ng assistance. 

Iminungkahi naman ni Senate President Vicente Sotto III na ang lahat ng pangalan ng benepisyaryo ay i-post sa gagawing website para magkaalaman.

“Sa tingin ko, panahon na po para sa National ID system,” ani Go. “Dahil hirap po tayo ngayon, ang daming dumodoble, ang daming hindi nakatatanggap (ng ayuda),” ayon sa senador.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with