Cadet First Class Gemalyn Sugui
Anak ng magsasaka top 1 sa PMA
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang babae na anak ng magsasaka na tubong Isabela ang nangu­na sa Philippine Military Academy (PMA) Masidlawin Class of 2020.

Si Cadet First Class Gemalyn Sugui, 25, ay kabilang sa mga nagtapos sa simpleng seremonya ng PMA na ginanap kahapon.

Mapapabilang si Sugui sa Philippine Army kasama ang 99 pa niyang kaklase habang 45 pang Masidlawin members ang mapapabilang naman sa Philippine Air Force.

Nasa 51 pa ay mapapabilang sa Philippine Navy.

Hindi tulad ng dati, idinaos ang PMA graduation rites sa Baguio City at hindi pinayagan ang pagdalo ng mga magulang ng magsisipagtapos bilang pag-iingat sa COVID-19.

Kabilang sa Top 10 sina Top 2: Cadet First Class Jade Villanueva mula Tacloban City; Top 3: Cadet First Class Jefferson Salazar mula Zamboanga City; Top 4: Cadet First Class Rotes Gaile Jamandre mula Ifugao;

Top 5: Cadet First Class Jeb Bay-an mula La Trinidad, Benguet; Top 6: Cadet First Class Catabay Ladyong mula Kalinga; Top 7: Cadet First Class Vanelyn Angel Tabao ng Tuguegarao City; Top 8: Cadet First Class June Giel Anne Factor mula Piddig, Ilocos Norte; Top 9: Cadet First Class Rubenson Abgao Maliwanag Baroy ng Lanao del Norte at Top 10: Cadet First Class Dencel Aina Bayaca ng Floridablanca, Pampanga. Victor Martin

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with