‘Iringan tigilan, brownout resolbahin’
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

Solon sa power firms

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang kongresista sa dalawang electric company na nagbabangayan na ayusin ang kanilang gulo sa gitna ng malawakang brownout na nangyayari sa Iloilo City.

Sinabi ni Ako Bisaya partylist Rep. Sonny Lagon, palaging brownout sa Iloilo na umaabot ng halos 13 oras kaya kawawa ang mga consumers doon lalo na ngayon na ang lahat ay nasa loob ng bahay ng buong pamilya dahil sa COVID-19.

Ito ay dahil ayon kay Lagon nagkakaroon ng short circuit at tinatransfer mula sa isang transformer sa ibang transformer na noong bago pa ang More Electric company ay hindi pa nangyayari.

Kaya giit ng kongresista, sana ay magtulungan ang MORE at Panay Electric Company o PECO para hindi naaapektuhan ang kanilang consumers.

Noong Pebrero ay nagtake-over ang MORE matapos na bigyan ng franchise na mag-distribute ng elektrisidad sa Iloilo City.

Bagama’t wala umanong kinakampihan si Lagon sa dalawa ay dapat na magpaliwanag ang More dahil ngayon lang nangyari ang napakahabang brownout sa lalawigan sa ilalim ng kanilang pamamahala.

Dahil dito kaya naghain si Lagon ng House Resolution 785 na humihiling sa Kamara na imbestigahan ang malawakang brownout sa Iloilo City.

BROWNOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with