'Cyber-graduation' sa Taguig ginamitan ng mga... robot?
James Relativo (Philstar.com) - May 22, 2020 - 6:12pm

MANILA, Philippines — Kakaibang pagtatapos ng mga mag-aaral ang idinaos sa isang sekundaryang paaralan sa Lungsod ng Taguig, Biyernes, sa gitna ng paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Kahit umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ), hindi kasi napigilang tumanggap ng diploma ang mga estudyante sa Sen. Renato "Compañero" Cayetano (SRCC) Memorial Science & Technology High School. 

Pero imbis na mga estudyante ang pisikal ng tumanggap nito, tinulungan sila ng mga robot na gawa mismo ng mga mag-aaral.

 

 

Bukod sa "nakapaglalakad" (o gumugulong) ang mga robot na ito, mapapanood nang live ang emosyon ng mga estudyanteng gruma-graduate sa screen na nagsisilbing "ulo" ng robot.

"Kakaiba ang ating seremonyas ngayong batch of 2020. You are the first ones in the history of your school na merong ganitong cyber-graduation," sabi ni Taguig Mayor Lino Cayetano sa isang talumpati.

"We are in unusual times, we are in extra-ordinary times. But let that not take away the hard work that you've done, the accomplishments that you've made throughout the year. We are proud of you."

Aniya, sa panahon ng pandemya naipamalas ng mga estudyante ang kakaibang kagalingan upang umangkop sa gitna ng peligro.

Hindi basta-basta pinapayagan ang paglabas ng bahay ang mga menor de edad sa ilalim ng MECQ areas gaya ng Taguig.

Sa guidelines ng lungsod, tanging mga edad 21 hanggang 59 lang ang pinapayagang lumabas ng bahay upang mag-ehersisyo, sa pagitan ng 5 a.m. hanggang 8 a.m., at 4 p.m. hanggang 6 p.m.

Gaya ng ibang lugar sa Metro Manila, ipinagbabawal pa rin sa ngayon ang anumang uri ng "mass gatherings" sa Taguig kung kaya't gumawa ng mapanlikhaing pamamaraan ang eskwelahan sa graduation ng mga bata.

Umabot na sa 13,597 ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ngayong araw. Sa bilang na 'yan, 857 na ang namamatay.

GRADUATION MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE NOVEL CORONAVIRUS TAGUIG TAGUIG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with