Kinukuha ng security guard na ito ang temperatura ng mall goer na ito bilang pag-iingat sa COVID-19, ika-16 ng Mayo, 2020.
AFP/Ted Aljibe
COVID-19 cases 13,597 na sa Pilipinas
James Relativo (Philstar.com) - May 22, 2020 - 3:21pm

MANILA, Philippines (Update 1, 5:00 p.m.) — Tuloy-tuloy ang pagdami ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa halos isang linggo matapos ipatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa tala ng Department of Health, Biyernes, umabot na ang kumpirmadong COVID-19 infections sa bansa sa 13,597.

Sa bilang na 'yan, nananatiling 9,648 ang bilang ng mga aktibong kaso o yaong mga may COVID-19 na hindi pa gumagaling o namamatay.

Nakita ang 163 panibagong kaso sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (91)
  • Central Visayas (56)
  • iba pang lugar (16)

Samantala, umabot na sa 857 ang mga namamatay dahil sa nasabing virus, mas mataas nang 11 sa datos na inilabas kahapon.

Parami naman nang parami ang mga COVID-19 recoveries sa bansa sa bilang na 3,092, matapos maitala ang karagdagang 92 ngayong araw.

Idineklara ang MECQ at GCQ sa mga lugar bilang paghihigpit upang hindi agad kumalat ang nakamamatay na sakit sa Pilipinas.

Kung hindi na palalawigin pa ng pamahalaan, nakatakdang matapos ang mga nasabing lockdown measures sa ika-31 ng Mayo.

Update sa mga manggagawang pangkalusugan

"As of May 21, meron na po tayong 2,336 healthcare workers na nag-positive sa COVID-19," sabi ni Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefer.

Sa bilang na 'yan, 1,219 pa ang aktibong kaso, habang 1,086 naman ang mga gumaling na manggagawang pangkalusugan kaugnay ng virus.

Kalakhan pa rin ng mga tinatamaan ng nakamamatay na sakit ay mula sa hanay ng mga nurses sa bilang na 853, habang 670 naman sa kanila ang mga doktor.

Kasalukuyan namang nasa 31 ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na namatay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa pandaigdigang saklaw, halos 5 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 simula nang pumutok ang pandemic mula sa Wuhan, China. Sa bilang na 'yan, 323,256 na ang namamatay, ayon sa huling update ng World Health Organization.

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with