Bulacan nasa ilalim ng MECQ hanggang May 31
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Na­tional Inter-Agency Task Force on Emer­ging and Infectious Di­seases (IATF-EID) ang kahilingan ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando na isailalim muna sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan hanggang May 31.

Nauna ng inapruba­han ng Regional IATF-EID na sa halip na extention ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lalawigan, isinama ito sa MECQ.

Ang unang kahilingan ni Gov. Fernando sa RIATF ay para sa extension ng ECQ sa lalawigan dahil nasa unang yugto pa lamang ng mass testing ang Bulacan na lubhang mahalaga upang lubusang masugpo ang pandemya.

Nauna rito, nakasama ang lalawigan ng Bulacan sa General Community Quarantine (GCQ) noong May 11. Noong May 13, naghain ng kahilingan si Fernando kasabay ang iba pang gobernador sa Central Luzon sa Regional at National IATF-EID na mabigyan sila ng extension upang manatili sa ECQ.

Kaugnay nito, matapos ang validation ng Regional at National IATF-EID, opisyal na ipi­nababatid na ang lalawigan ng Bulacan ay pinahihintulutan na malipat sa MECQ.

IATF-EID MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with