^

Bansa

Ambo humagupit, libu-libo inilikas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ambo humagupit, libu-libo inilikas
Winasak ng bagyong Ambo ang quarantine facilities na ito sa San Policarpio, Eastern Samar na nagpalikas din sa 140,000 katao sa mga sinalantang lugar.
Photo courtesy ng Provincial PIO, Eastern Samar

MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang bagyong Ambo na mula sa typhoon category, ngayon ay nasa severe tropical storm category na lang.

Ayon sa report, naka-anim na landfall ang bagyo na unang nanalasa sa Visayas bago ang pang-pitong landfall sa bahagi ng Quezon kagabi.

Nasa 140,000 katao ang napilitang magsilikas matapos salantain ang kanilang mga tahanan, pabagsakin ang mga poste ng kuryente at mga puno.

Huling namataan ang bagyo sa layong 40 kilometro timog ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kph at bugsong 140 kph at kumikilos sa bilis na 20 kph norhwest.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), wala pa silang naitatalang nasawi sa ngayon dahil kay Ambo.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal maituturing itong magandang balita sa kabila ng hagupit ni Ambo sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Ani Timbal, kasaluku­yang anecdotal na impormasyon pa lang ang nakalap nila ukol sa pinsala ng bagyo mula sa counterparts nila sa mga lugar.

Nakataas ang Signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, eastern portion of Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Marinduque, northern portion ng Quezon, Polillo Islands, western portion ng Camarines Norte, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Aurora, Quirino, western portion ng Isabela.

Signal number 1 naman sa Cagayan, Babuyan Islands, Batanes, Zambales, Bataan, nalalabing bahagi ng Pangasinan, nalalabing bahagi ng Isabela, nalalabing bahagi ng Quezon, nalalabing bahagi ng Camarines Norte, west portion ng Camarines Sur at northern portion ng Oriental Mindoro.

Ngayong Sabado, moderate to heavy at kung minsan ay intense rains ang idudulot ng bagyo sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Nueva Vizcaya, at Quirino. Doris Franche

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with