^
Bagyong 'Ambo' posibleng hagipin ang Bikol sa Huwebes; Metro Manila maaapektuhan
Makikita sa litrato ang Tropical Depression "Ambo" 340 kilometero, silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, bandang 10 a.m.
Released/PAGASA

Bagyong 'Ambo' posibleng hagipin ang Bikol sa Huwebes; Metro Manila maaapektuhan

James Relativo (Philstar.com) - May 11, 2020 - 12:42pm

MANILA, Philippines — Nakikitaang lalapit sa kalupaan ng mga probisya ng Samar at rehiyon ng Bikol ang bagyong "Ambo" sa mga susunod na araw, ayon sa ulat ng weather bureau ng gobyerno, Lunes.

"Kaninang alas-diyes nang umaga, ang Tropical Depression na si 'Ambo' ay tinataya nating nasa layong 340 kilometers ang layo, silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur," ani Chris Perez, weather specialist ng PAGASA.

Una nang sinabi ng PAGASA na mababa ang tyansang maging bagyo ito noong low pressure pa ang sama ng panahon noong nakaraang linggo.

Wala pa sa kalupaan ang mata ng bagyo, ngunit maaaring nakakaapekto na raw ang mga kaulapan ng bagyo lalo na sa silangang Mindanao. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras na may bugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.

Sa susunod na 24 oras, nakikitang magdadala ng kalat-kalat na mahihina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malakas na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao.

Mababa pa namang magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa loob ng nasabing oras.

Bikol hahagipin, Metro Manila maaapektuhan

Mabagal naman ang pagtakbo ng tropical depression sa ngayon at nakikitang tutumbukin ang direksyong hilagang-kanluran papuntang Luzon.

"Ang bagyo pong si Ambo ay inaasahan ngang posibleng mag-landfall sa may bandang Bicol Region... sa pagitan po ng May 14 afternoon or evening hanggang sa early morning ng May 15," dagdag ni Perez.

Maaari pa rin daw ito lumakas at maging Tropical Storm,bago pa mag-landfall.

Sa Huwebes nang umaga, inaasahan na nasa layo na lamang itong 135 kilometero, silangan ng Juban, Sorsogon, o halos hilaga na ng probinsya ng Samar.

Tinatayang aabot sa 300 kilometro ang diametro ng bagyo, dahilan para tamaan ang napakalaking lugar.

"Habang tumatawid ito nang Kabikulan, hindi lamang po Bicol region ang maaapektuhan kundi ilang bahagi rin ng Kabisayaan, ng Southern Luzon, and in this particular location, pwede ring maapektuhan ang... Central Luzon at Southern Luzon, kasama na nga rin diyan ang Metro Manila,"  patuloy ni Perez.

AMBO BICOL PAGASA SAMAR TROPICAL DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with