^

Bayanihan sa Benguet isinulong

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinihikayat ni ACT-CIS Party List Rep. Eric Go Yap, na siya ring Legislative Caretaker ng lone Congressional District ng Benguet, ang mga alkalde na magbayanihan, magtulungan at magkaisa para sa pag-unlad at sama-samang labanan ang COVID-19 pandemic at ang kahirapan.

Ang panawagan ay ginawa ni Yap nang magtungo sa lalawigan ng Benguet noong Mayo 8, at bisitahin ang ilan sa mga barangay na pinakaapektado ng COVID pandemic.

Dito ay pinagkalooban ng mambabatas ang mga barangay ng relief goods sa pamamagitan ng kanyang Mobile Tulong.

Ang Mobile Tulong ay isang continuous program ng mambabatas, na ang layunin ay bumisita sa bawat barangay sa lalawigan at maghatid ng tulong at iba pang pangangailangan para sa mga constituents.

Pinulong din ni Yap ang mga alkalde ng Benguet at maging sa gobernador nito at nagbigay ng mahalagang mensahe sa mga ito ngayong nahaharap sa matinding pagsubok ang buong bansa.

Binisita rin ni Yap ang Benguet General Hospital para personal na ma-check ang kalagayan ng mga frontliners at nag-donate ng ‘high flow oxygen’, PPEs at iba pang pangangailangan para magamit ng pagamutan.

BENGUET ERIC GO YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with