Mga Pinoy satisfied sa pagtugon ni Duterte sa COVID-19
MANILA, Philippines — Halos kalahati ng mga Filipino ay tiwala sa pagtugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 pandemic, base sa “Global Crisis Perceptions” index na inilabas ng Blackbox Research at Toluna.
Nagtala ang Pilipinas ng 49 percent satisfaction rating pagdating sa pandemic response ng gobyerno.
Sinukat sa survey ang apat na performance indicators na kinabibilangan ng national political leadership, corporate leadership, community at media.
Ang global poll ay isinagawa mula April 3 hanggang 19 kung saan tinanong ang nasa 12,500 adult respondents mula sa 23 bansa kung paano tumugon ang kanilang gobyerno gamit ang apat na performance indicators.
Lumabas na pang-walo ang Pilipinas sa listahan ng 23 bansa na nagbigay ng assessment ang mga mamamayan tungkol sa pagtugon ng kani-kanilang gobyerno sa COVID-19.
Nangunguna sa listahan ng mga bansa na may mataas na approval scores ang China (86), Vietnam (77), United Arab Emirates (59), India (59), Malaysia (58), New Zealand (56), Taiwan (50), Philippines (49), Indonesia (48), Singapore (48), South Africa (47), Australia (43), Germany (41), the United States (41), Mexico (37), United Kingdom (37), Iran (36), Italy (36), Thailand (36), at South Korea (31).
- Latest