ECQ sa Zamboanga City at Albay pinalawig ng IATF

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na palawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga probinsiya ng Zamboanga City at Albay.

Ang dalawang pro­binsiya ay hindi kasama sa Executive Order 112 kung saan tinukoy ang mga lugar na mananatili ang ECQ hanggang Mayo 15 at itinuturing na mga “high-risk areas.”

Kabilang dito ang Metro Manila, Central Luzon maliban sa Aurora, Calabarzon, Benguet kasama ang Baguio City, Iloilo kasama ang Iloilo City, Cebu kasama ang Cebu City, Bacolod City at Davao City.

Bukod sa mga na­banggit na probinsiya, lahat ng lugar sa Pilipinas ay inilagay sa ilalim ng general community quarantine kabilang ang Zamboanga City at Albay kung saan pinapayagan nang magbukas ang ilang negosyo at industriya.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inirekomenda ng IATF na palawigin ang ECQ sa Zamboanga City at Albay.

Mismong ang mga opisyal ng dalawang probinsiya ang umapela sa IATF na huwag tanggalin ang ECQ sa kanilang lugar dahil sa banta ng COVID-19.

ALBAY INTER-AGENCY TASK FORCE ZAMBOANGA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with