^
COVID-19 may bagong 6 na sintomas
Lumitaw ang dagdag na mga sintomas habang sinusuri ng mga health expert ang pag-usbong ng sakit. Nauna sa listahan ng CDC ang lagnat, ubo, at kapos na paghinga.
Walter Bollozos

COVID-19 may bagong 6 na sintomas

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2020 - 12:00am

Pinag-aaralan na ng DOH

MANILA, Philippines — Merong anim na ba­gong posibleng mga sintomas ang novel coronavirus disease 2019 na idinagdag sa listahan ng Centers for Disease Control and Prevention ng United States.

Kabilang sa mga ba­gong sintomas ang chills, repeated shaking with chills, muscle pain, headache, sore throat at loss of taste or smell.

Lumitaw ang dagdag na mga sintomas habang sinusuri ng mga health expert ang pag-usbong ng sakit. Nauna sa listahan ng CDC ang lagnat, ubo, at kapos na paghinga.

Ang mga pasyenteng may coronavirus ay maaaring makaranas ng mild symptoms hanggang severe illness. Sa pangkalahatan,  lumilitaw ang mga sintomas na ito dalawa hanggang 14 na araw makaraang ma-exposed sa virus. Lumilitaw sa pag-aaral na maaaring meron nang impeksyon ang pasyente bago pa man lumitaw ang mga sintomas.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng Department of Health ang lumabas na ulat sa Amerika tungkol sa anim na mga bagong sintomas umano ng COVID-19.

May tinutukoy din daw ang pag-aaral na “COVID toes,” o pangingitim ng paa at daliri ng isang infected patient.

Pati na ang idinudulot umanong pamumuo ng mga dugo sa large arteries ng COVID-19 na nagdudulot ng severe stroke.

Sa anunsyo ng World Health Organization sa nakalipas na buwan, itinuturing na most common symptom ng sakit ang lag­nat, dry cough at labis na pagod.

May ilang pasyente rin daw na nakitaan ng pare-parehong pag-inda sa nasal congestion, sore throat at diarrhea.

Ayon naman kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, patuloy na kinakalap ng mga eksperto sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at Technical Working Group ng DOH ang mga impormasyon tungkol sa sakit, lalo’t itinuturing na bagong uri ng coronavirus ang COVID-19.

CDC COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with