Pagdoble ng COVID cases bumagal
“Meron tayong dalawang good news: una, sabi ng mga eksperto bumabagal na ang doubling time- ibig sabihin nito kung dati rati, sa loob ng 3 araw dumodoble na ang mga kaso, ngayon mas mabagal na ito. Halos 5 araw na ang average,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Michael Varcas
Pagdoble ng COVID cases bumagal
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala ang De­partment of Health (DOH) na nagkakaroon na ng positibong resulta ang kampanya ng pamahalaan laban sa COVID-19 dahil sa pagbagal na umano ng ‘doubling time’ o pagdoble ng mga kaso ng nahahawa sa virus sa bansa.

“Meron tayong dalawang good news: una, sabi ng mga eksperto bumabagal na ang doubling time- ibig sabihin nito kung dati rati, sa loob ng 3 araw dumodoble na ang mga kaso, ngayon mas mabagal na ito.  Halos 5 araw na ang average,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ngunit target ng DOH na maging 30 araw ang ‘doubling time’. Nangangahulugan ito na nitong Lunes (Abril 20) ay 6,000 ang kaso, sa Mayo 20 ay dapat 1,200 pa lamang dapat ang kaso sa bansa.

Ikalawang magandang balita ng DOH ay karamihan sa mga kaso ay nananatili sa National Capital Region (NCR) na nangangahulugan na hindi pa nagiging malawak ang pagkalat ng virus sa bansa.

“May pagkalat na nangyayari sa ibang parte ng bansa, ngunit mayroon pa ding mga probinsya na wala pa ring kaso o matagal ang pagtaas ng kaso,” ani Vergeire.

Ngunit nagpaalala rin ang DOH na maaaring hindi maging permanente ang dalawang magandang balita kung hindi makikipagtulungan ang publiko sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

“Kaya huwag po ta­yong maging complacent- pwedeng pumangit ang balita kung tayo ay biglang bibitaw sa ating mga responsibilidad bilang homeliners,” dagdag ni Vergeire.

Related video:

DOH MARIA ROSARIO VERGEIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with