Online application sa PCSO sinimulan
MANILA, Philippines — Simula kahapon ay tumatanggap na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng online application para sa mga humingi ng tulong medical.
Nagtalaga ng online access ang PCSO para sa National Capital Region (NCR), upang tumugon sa medical assistance (confinement) at requests para sa chemotherapy, dialysis, hemophilia at post-transplant medicines.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, ang hakbang ay upang hindi na pumunta sa kanilang tanggapan ang mga humihingi ng tulong bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine.
Para sa mga nais humingi ng tulong, maaring bisitahin ang website ng PCSO na www.pcso.gov.ph i-click ang E-Services at ang NCR Online Application.
- Latest