Mismong si Sec. Bello ang nagkumpirma sa pagkamatay ng paborito niyang kapatid na si Catherine, nang magsagawa siya ng Laging Handa press briefing kahapon.
KJ Rosales/File
Kapatid ni Labor Sec. Bello pumanaw sa COVID
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumanaw ang kapatid na babae ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tinamaan ng COVID-19.

Mismong si Sec. Bello ang nagkumpirma sa pagkamatay ng paborito niyang kapatid na si Catherine, nang magsagawa siya ng Laging Handa press briefing kahapon.

Natanggap niya ang balita kahapon lamang ng umaga, na ikinagulat  niya dahil ang alam niya ay makakarekober na sa sakit ang kapatid.

Si Catherine aniya, ang unang pumanaw sa kanilang 10 magkakapatid.

Nabatid na isinugod si Catherine sa pagamutan noong Marso 25 nang makaramdam ng sintomas ng sakit at nagpositibo sa naturang virus.

Hindi pa umano malinaw kung bakit umulit ang sakit ng kapatid sa halip na gumaling ng tuluyan.

SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with