Pres. Duterte pinagbawalan ni Sara na umuwi sa Davao
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsiwalat kamakalawa ng gabi na pinagbawalan siya ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na umuwi sa Davao City habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa COVID-19.

Inamin ng Pangulo na tatlong mahahalagang okasyon ang hindi niya nadaluhan sa Davao City.

“Ngayon alam ko na sabik na sabik na kayo. Para kayong taga-Bilibid, lahat tayo pati ako. Hindi na nga ako makauwi sa Davao birthday ng apo ko, birthday ng --- ‘yung partner ko, birthday ng anak ko, hindi ako makauwi. Bakit? Hindi ako pinapayagan ng mayor doon na makapunta. Walang eroplano na may pasahero maka-landing sa Davao City. Ipinagbabawal ng mayor doon,” ani Duterte.

Idinagdag ng Pangulo na maaaring umalis ang mga taga-Davao pero hindi na nagpapapasok dahil sa lockdown.

Baka pag nagpumilit umano siyang umuwi ay magsigawan lamang sila ng kanyang anak.

Sinabi rin ng Pangulo na nirerespeto niya ang patakaran ng Davao City.

Inamin din ng Pangulo na maging siya ay naiinip na at nagmumura na dahil sa bagong routine.

Hindi naman aniya maaaring awayin ang virus na hindi nakikita at lumilipat na lamang sa iba.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with