"Nananatili akong asymptomatic. Normal ang temperatura ng aking katawan, na kinukuha tatlong beses sa isang araw."
File
DepEd Secretary Briones COVID-19 positive
James Relativo (Philstar.com) - April 9, 2020 - 2:57pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Education na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang kanilang kalihim, Huwebes.

"[K]ahapon, ika-8 ng Abril, 2020, nang sabihan ako ng Research Institute for Tropical Medicine na positibo ako sa SARS-COV-2, na siyang nagdudulot ng COVID-19," sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones sa Inggles.

"Nananatili akong asymptomatic. Normal ang temperatura ng aking katawan, na kinukuha tatlong beses sa isang araw."

Aniya, dumaan siya sa test noong ika-13 ng Marso at matapos makasalamuha ng kanyang execomm member ang isang COVID-19 patient. Negatibo ang unang resulta.

Muli itong isinagawa noong ika-2 ng Abril matapos ideklarang positibo ang isa pang miyembro ng Gabinete. Ipinaalam sa publiko ni Interior Secretary Eduardo Año noong ika-31 ng Marso na nag-positibo siya sa COVID-19.

"Pareho kaming nagtungo sa isang mahalagang pulong ng ilang Cabinet officials noong ika-23 ng Marso," dagdag ni Briones.

Bagama't sasailalim siya sa isolation, patuloy pa rin naman daw siyang magtratrabaho para dumalo ng mga IATF meetings, maliban sa iba pang mga pulong.

Iminumungkahi niya rin sa ngayon na sumailalim sa self-quarantine ang lahatnng kanyang nakiasalamuha nitong mga nagdaang araw.

"Umaasa ako't nananalangin na gagaling... Sa tulong ng Panginoon, gagaling tayong lahat," kanyang panapos.

DEPARTMENT OF HEALTH LEONOR BRIONES NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with