Pila ng mga mamimiling naka-facemask habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine laban sa COVID-19.
The STAR/Edd Gumban
Ari-arian ng gobyerno ibebenta 'kung kulangin ang COVID-19 funds'
(Philstar.com) - April 9, 2020 - 2:46pm

MANILA, Philippines — Tinitignan daw ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang ilang ari-arian ng pamahalaan bilang "last resort" para mailarga ang kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19), na pumatay na sa marami.

Sinabi ito ni Digong habang 'di magkanda-ugaga ang gobyerno sa paglikom ng pera gamit ang utang at paggamit ng "special powers" na ibinigay sa kanya ng Konggreso na maglipat ng items sa national budget.

"Kapag nawalan tayo ng pera, ibebenta ko ang lahat ng government properties," wika ni Duterte sa Inggles, na kilala sa kanyang makulay na pananalita.

Ilan sa mga maaari raw na ibenta ay ang mga concert halls ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at Philippine International Convention Center (PICC), na pagmamay-ari ng gobyerno.

"Kapag naubusan tayo ng rekurso at lumubog, ibebenta ko ang mga asset ng gobyerno at gagamitin ang pera para tulungan ang taumbayan," dagdag pa niya.

Ayon naman kay Senate Presidente Vicente "Tito" Sotto III, sinabi lang 'yan ni Duterte upang tiyakin sa publiko na gagawin niya ang lahat para pondohan ang paglaban sa krisis.

"Sa tingin ko hindi naman aabot sa puntong iyon lalo na't seryoso tayo sa pagtugon sa sakit," sabi ni Sotto sa isang ulat ng GMA News.

Naghahanap ng P1.1 trilyon

Martes nang sabihin ni Finance Secreary Carlos Dominguez III sa CNBC na mais makaipon ng $23 bilyon — o P1.1 trilyon — ang administrasyon para maiwasan ang epektong panlipunan at pang-ekonomiya sanhi ng COVID-19.

Umabot na sa 3,870 ang kumpirmadong tinamaan nito sa bansa.

Kalakhan daw ng pondo, na lilikumin sa pamamagitan ng Bangko Sentral, ay gagamitin sa "pagsuporta sa ekonomiya" habang ginagamit daw ang natitirang pondo sa mga "pinakabulnerableng mga komunidad." Para rin daw ito sa pagtulong sa mga manggagawang pangkalusugan sa Pilipinas.

Sa kabila nito, hindi niya ipinaliwanag kung saan talaga kukunin ang pera para sa mga nasabing programa.

Dahil sa pagtindi ng pag-utang, sinabi ni Domingue na maaaring tumaas ang debt ratio sa "mahigit 46%" ng gross domestic product (GDP) bago magtapos ang taon, mula sa 41.5% noong 2019.

Sinusukat ng debt-to-GDP measures ang laki ng liabilities na meron sa ekonomiya. — James Relativo at may mga ulat mula kay ian Nicolas Cigaral

DEBT GOVERNMENT ASSETS NOVEL CORONAVIRUS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with