^

Bansa

Kritiko pinalagan ng DOTr

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Umalma ang  Department of Transportation (DOTr) sa mga batikos na wala silang ginagawa  lalo na si Transport Secretary Arthur Tugade ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Sinabi ni  Transport Assistant Secretary for Communication Goddes Libiran na tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng free bus ride para sa mga health workers kung saan nasa 95 hanggang 112 bus sa 19 na ruta ang umiikot kada araw sa mga ospital.

Ang nasa 60 bus company naman umano na lumalahok sa programa ay binibigyan ng ahensya ng fuel subsidy na 50 litro  bawat araw.

Paliwanag pa ni Libiran, libo-libo ring mga overseas Filipino worker ang nakinabang sa libreng sakay ng DOTr sa pamamagitan ng Libreng Sakay Program sa tulong na rin ng Overseas Workers Welfare Administration at Department of Foreign Affairs.

Ipinagmalaki rin nito na sa pakikipag-ugnayan sa Toll Regulatory Board ay nabigyan ng pagkakataon ang mga medical front liners na makadaan sa mga expressway sa Luzon ng walang anumang kailangan bayaran.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang ahensya sa DSWD, LTFRB at Landbank upang mabigyan ng cash assistance ang mga PUV drivers.

vuukle comment

DOTR

GODDES LIBIRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with