^

Bansa

Patay sa COVID-19 sa 'Pinas 182 na habang kaso papalapit ng 4,000

James Relativo - Philstar.com
Patay sa COVID-19 sa 'Pinas 182 na habang kaso papalapit ng 4,000
Tinatauhan ng mga kawani ng Manila Police District sa kahabaan ng Bonifacio Drive sa Maynila kasabay ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng extension ng enhanced community quarantine, Martes.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Update 1, 4:46 p.m.) — Hindi pa rin nahihinto ang pag-akyat ng panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health ngayong Miyerkules Santo.

Inanunsyo ng DOH ang dagdag na 106 kaso ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 3,870.

Pumalo naman ng 182 ang kabuang bilang ng mga namatay matapos itong madagdagan ng lima, pagpapatuloy ng DOH.

Pinalad namang gumaling ang 23 pa, kung kaya't lumobo rin sa 96 ang total recoveries sa Pilipinas.

Sabi ni Beverly Ho, special assistant ni Health Secretary ni Francisco Duque III, mabuting hakbang daw ang ginawa ng pamalahaan sa pagpapalawig ng enhanced community quarantine hanggang ika-30 ng Abril.

"Ayon po sa mga experts na tumutulong sa atin suriin ang data, mid-April pa talaga natin malaman kung nagkaroon ng apekto ang ECQ," ani Ho.

"Evidence in other countries prove that quarantines are effective in slowing down the spread of COVID-19.

Patuloy pa ring suspendido ang lahat ng pasok sa eskwelahan, pampublikong transportasyon habang nagsasagawa ng "work from home" arrangements ang maraming opisina upang mabawasan ang pakikisalamuha ng tao sa mga maaaring carriers ng virus sa buong Luzon.

Umakyat na sa 72,614 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 1,279,722 na ang tiyak na tinamaan nito, ayon sa World Health Organization. 

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with