Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesman ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang rekomendas­yon na i-extend ang qua­rantine.
Edd Gumban/ File
Luzon lockdown pinalawig hanggang Abril 30
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Pinalawig hanggang Abril 30 ang ipinatutupad na lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesman ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang rekomendas­yon na i-extend ang qua­rantine.

Nauna rito, inihayag ni Duterte kamakalawa ng gabi na posibleng palawigin ang ECQ hanggang katapusan ng Abril.

Sinabi ni Nograles na agad nilang vinerify sa Pa­ngulo ang pahayag nito at sumagot na extended na ang ECQ.

Idinagdag nito na hindi na kailangang isama sa ECQ ang Visayas at Mindanao.

Sa panahon ng ekstensiyon, mananatili pa rin ang mga “exemptions” o mga pinayagan ng Office of the President at IATF na lumabas ng bahay.

Posible rin aniyang magkaroon ng pagbabago sa implementasyon sa ilang lokalidad o madagdagan ang exemptions kung kakailanganin.

Sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na kahit siya ay ayaw niyang magkulong ng tao at ito ang dahilan kaya siya pumayat.

Pero ang siyensiya o science aniya ang nagdidikta na dapat magkulong sa loob ng bahay ang mga tao upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Related video:

ECQ KARLO NOGRALES LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with