Pera ng gobyerno paubos na – Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na paubos na ang pera ng gobyermo at ang ginagamit na sa ngayon ay ang nakareserbang pondo.

Sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi gumagalaw ang ekonomiya dahil sa enhanced community quarantine na pinalawig pa hanggang sa Abril 30.

“The economy is not moving, standstill, so wala tayong kita. Ang ginagamit natin ito na ‘yung nireserba natin na pera,” anang Pangulo.

Inamin din ng Pangulo na ang ipinagmamalaki niyang pera ay P300 bilyon na lamang na tinipid at hindi ginastos sa mga proyekto dahil karamihan aniya ay nauwi sa kurakot.

Ayon pa sa Pangulo, naitago ni Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III ang nasabing pondo base sa kanyang utos.

Kaya anya “allergic” siya kapag humihingi ng pera para sa mga proyekto ang mga miyembro ng Gabinete kaya hindi niya ito pinipirmahan.

Inatasan niya si Dominguez na gumawa ng paraan kahit pa ito ay “magnakaw” o manghiram dahil paubos na ang pondo ng gobyerno.

Idinagdag ng Pangulo na hindi lamang ang ekonomiya ng Pilipinas ang may problema kundi ang ekonomiya ng lahat ng bansa sa buong mundo.

Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulo sa mga mayayaman sa pribadong sektor na tumulong dahil kapag bumagsak ang gobyerno ay babagsak ang lahat.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with