Ipinayo ni Go na ang nasabing pondo ay maaaring magamit sa mga proyekto na magbebenepisyo sa mga komunidad sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.
Geremy Pintolo/ File
CDF ng mga kooperatiba gamitin sa COVID-19 crisis
(Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

Apela ni Bong Go

MANILA, Philippines  — Umapela si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga kooperatiba na gamitin ang kanilang Community Development Fund (CDF) upang maging ayuda sa kanilang mga miyembro at magsilbigg malaking tulong sa gobyerno na nagsisikap sugpuin ang coronavirus disease (COVID-19).

Ipinayo ni Go na ang nasabing pondo ay maaaring magamit sa mga proyekto na magbebenepisyo sa mga komunidad sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Kabilang dito ang pamamahagi ng food packs, vitamins, alcohol, soap, personal protective equipment para sa medical frontliners at iba pang pangunahing pangangailan ng community members.

Ayon kay Go, hindi pa kasi masabi at wala pang linaw kung ano ang magiging kapalaran ng bansa dahil sa COVID-19 situation kaya ginawa niya ang apela.

“Lahat po tayo kailangang tumulong sa ating komunidad. Lahat tayo naghihirap at lahat naman tayo gustong malampasan ang krisis na ito. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para pagserbisyuhan ang kapwa nating Pilipino. Magbayanihan tayo,” paliwanag ni Go.

Hinihikayat din ang mga kooperatiba na magbigay ng emergency o calamity loans na walang interest o kaya’y minimal lang ang interest sa kanilang kasapian.

CHRISTOPHER BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with