Higit 100 Pinoys sa Italy gusto ng umuwi
(Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit 100 Filipino workers sa Italya ang humingi ng tulong sa Embahada ng Pilipinas para makauwi sa bansa sa gitna ng krisis ng COVID-19.

Sinabi ni Rhoderick Ople, presidente ng Filipino community group na OFW Watch Italy, may 113 Filipino workers sa Italy ang humiling ng repatriation.

Sa nasabing bilang, 72 dito ang nawalan ng trabaho na mula sa sector ng domestic at turismo kaya gustong umuwi. Ang iba ay nagsabing takot na mahawaan ng virus at gustong makapiling ang mga pamilya sa Pilipinas. Kasama din dito ang ilang undocumented workers.

Wala pang sagot ang embahada ukol dito.

Umaapela ngayon ang grupo nang mabilis na aksyon mula sa gobyerno ngayong panahon ng krisis.

Sa Lombardy, apat na Pinoy na ang namatay sa COVID-19 at 20 ang naka-quarantine.

Sa Emilia Romagna, walong Pinoy ang nasa quarantine at dinala sa ospital ang iba.

May 10 namang Pinoy sa Roma ang positibong infected ng virus ang nasa ospital.

Kasalukuyang may 168,000 residenteng Pilipino sa Italya.

COVID-19 RHODERICK OPLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with