^

Bansa

Philippine COVID-19 cases umabot ng 3,764 kasunod ng Luzon lockdown extension

James Relativo - Philstar.com
Philippine COVID-19 cases umabot ng 3,764 kasunod ng Luzon lockdown extension
Idinisplay ang isang kabaong sa Sampaloc, Maynila sa kalsadang binarikadahan bilang panakot sa mga residente na manatili sa bahay.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang arawang pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ngayong Martes Santo, ayon sa huling virtual presser ng Department of Health.

Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III ang panibagong 104 kaso ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 3,764 sa ngayon.

Nasa 177 naman na ang kabuang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng 14, pagpapatuloy ng DOH.

"Kami po ay nakikiramay sa mga pamilya at kaibigan na naulila ng ating mga kababayang pumanaw dahil sa virus na ito," ani Duque.

 

 

Sinwerte namang gumaling ang karagdahang 11 pasyente, kung kaya't 84 na ang total number ng nag-recover.

Lumobo na sa 67,594 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 1,210,956 na ang tiyak na tinamaan nito, ayon sa World Health Organization.

Inanunsyo ng DOH ang panibagong mga datos matapos kumpirmahin ng gobyerno ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa Luzon hanggang ika-30 ng Abril.

"Karamihan pa rin po ng ating mga confirmed cases ay matatagpuan sa Luzon," patuloy ni Duque.

"[M]ore or less mga 80% ng lahat ng mga kaso ng COVID-19 ay naitala sa loob ng Metro Manila. Dito na rin po kasi unang nakapasok sa Pilipinas ang virus buhat ng dami... ng mga flights na dumarating sa Metro Manila."

Nakatakda nang magsagawa ng mass testing ng mga patients under investigation (PUIs) at patients under investigation (PUMs) simula ika-14 ng Abril.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with